Nakatanggap ng dagdag tulong ang General Licerio Topacio National High School (GLTNHS) mula sa iba’t ibang isponsor gaya ng McDonalds, Tau Gamma PH, Jollibee, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), GPTA sa pangunguna ni Mrs. Ruthylie Dadulo, Supreme Student Government (SSG), at ng iba pang pribadong sektor ng Imus City noong ika- 20-24 ng Mayo 2019.
Tinatayang mas marami ang nakilahok sa Brigada 2019 kumpara noong nakaraang taon dahil na rin sa pagtutulong tulong ng mga estudyante, magulang at ng pamunuan ng Licerio sa paghikayat ng mga isponsor para sa nasabing aktibidad. Nagkaloob ng mga kagamitang panglinis at pintura ang mga ito upang mas mapadali ang pagsasaayos ng paaralan para sa paghahanda sa pagpasok ng mga estudyante sa taong 2019-2020. Bukod dito, nagtulong-tulong ang mga isponsor sa paglilinis at pagsasaayos ng paaralan gaya ng pagwawalis, pagpipintura ng bawat klasrum at pagkukumpuni ng mga sirang upuan na nagbigay ginhawa sa mga estudyante, magulang at ng mga guro. “Malaki ang naging tulong nito hindi lamang sa mga guro kundi maging sa mga estudyante at mga magulang ng Licerio kasi mas napadali yung gawain ng bawat isa at nasiguradong maabot natin ang goals ng Brigada na mapasaayos ang ating paaralan”, ayon kay Mrs. Dadulo, Brigada coordinator. Inaasahan ng pamunuan ng paaralan na magpatuloy ang hangarin ng bawat isponsor sa mga susunod pang taon ng Brigada upang mas mapalawak ang kaayusan sa Licerio.
0 Comments
|