Nakilahok ang 1945 na estudyante ng General Licerio Topacio National High School sa ginanap na taunang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ni Ms. Elsa Cortes, School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM) coordinator noong ika-20 ng Hunyo bilang paghahanda sa mga posibleng sakuna na maaaring kaharapin ng paaralan.
Aktibong nagpakita ang mga Licerian ng tamang posisyon na Duck, Cover and Hold sa tulong ng mga guro at ng Junior Medics bilang paunang preparasyon sa lindol na maaaring tumama sa bansa. “Patuloy na lumalaki ang populasyon ng Licerio kaya mas nagiging challenge sa atin na isagawa ang taunang Earthquake Drill dahil dapat na unahin natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral”, ani ni Ms. Cortes. Dahil sa lumolobong populasyon ng paaralan mas paiigtingin nito ang pagbibigay ng impormasyon sa mga dapat at di-dapat gawin kung mayroon mang lindol. Nagbigay ng mga safety procedures si Ms. Cortes sa mga guro maging sa mga mag-aaral upang maiwasan ang sakuna. Naging malaking tulong rin ang pagbibigay ng mga training sa mga Junior Medics upang maging kaagapay ng paaralan sa pagbibigay ng First Aid sa mga posibleng problemang kaharapin nito.
0 Comments
|