Nakilahok ang 1945 na estudyante ng General Licerio Topacio National High School sa ginanap na taunang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ni Ms. Elsa Cortes, School Disaster Risk Reduction Management (SDRRM) coordinator noong ika-20 ng Hunyo bilang paghahanda sa mga posibleng sakuna na maaaring kaharapin ng paaralan.
Aktibong nagpakita ang mga Licerian ng tamang posisyon na Duck, Cover and Hold sa tulong ng mga guro at ng Junior Medics bilang paunang preparasyon sa lindol na maaaring tumama sa bansa. “Patuloy na lumalaki ang populasyon ng Licerio kaya mas nagiging challenge sa atin na isagawa ang taunang Earthquake Drill dahil dapat na unahin natin ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral”, ani ni Ms. Cortes. Dahil sa lumolobong populasyon ng paaralan mas paiigtingin nito ang pagbibigay ng impormasyon sa mga dapat at di-dapat gawin kung mayroon mang lindol. Nagbigay ng mga safety procedures si Ms. Cortes sa mga guro maging sa mga mag-aaral upang maiwasan ang sakuna. Naging malaking tulong rin ang pagbibigay ng mga training sa mga Junior Medics upang maging kaagapay ng paaralan sa pagbibigay ng First Aid sa mga posibleng problemang kaharapin nito.
0 Comments
Nakatanggap ng dagdag tulong ang General Licerio Topacio National High School (GLTNHS) mula sa iba’t ibang isponsor gaya ng McDonalds, Tau Gamma PH, Jollibee, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), GPTA sa pangunguna ni Mrs. Ruthylie Dadulo, Supreme Student Government (SSG), at ng iba pang pribadong sektor ng Imus City noong ika- 20-24 ng Mayo 2019.
Tinatayang mas marami ang nakilahok sa Brigada 2019 kumpara noong nakaraang taon dahil na rin sa pagtutulong tulong ng mga estudyante, magulang at ng pamunuan ng Licerio sa paghikayat ng mga isponsor para sa nasabing aktibidad. Nagkaloob ng mga kagamitang panglinis at pintura ang mga ito upang mas mapadali ang pagsasaayos ng paaralan para sa paghahanda sa pagpasok ng mga estudyante sa taong 2019-2020. Bukod dito, nagtulong-tulong ang mga isponsor sa paglilinis at pagsasaayos ng paaralan gaya ng pagwawalis, pagpipintura ng bawat klasrum at pagkukumpuni ng mga sirang upuan na nagbigay ginhawa sa mga estudyante, magulang at ng mga guro. “Malaki ang naging tulong nito hindi lamang sa mga guro kundi maging sa mga estudyante at mga magulang ng Licerio kasi mas napadali yung gawain ng bawat isa at nasiguradong maabot natin ang goals ng Brigada na mapasaayos ang ating paaralan”, ayon kay Mrs. Dadulo, Brigada coordinator. Inaasahan ng pamunuan ng paaralan na magpatuloy ang hangarin ng bawat isponsor sa mga susunod pang taon ng Brigada upang mas mapalawak ang kaayusan sa Licerio. Hindi nagpahuli ang mga Licerians, nasungkit ni Mcray Haplasca, mag-aaral sa Baitang 10- Amorsolo sa Pintahusay ang Ikatlong Puwesto sa patnubay ng kanyang gurong tagapagsanay na si G. Nirvan Cantara. Gayundin ay pumuwesto sa Ikatlo ang mga mag-aaral sa 9- Amethyst na sina Kenneth Reyes, Aniceto Peligrino, Evanjeline Cansilao at Hikaru Himalay sa Interaktibong Pagbasa sa patnubay ni Gng. Jacqueline M. Arevalo, guro sa Baitang 9, Filipino.
Nag-uwi ng ikatlong pwesto sa larangan ng Spoken Word Poetry si Jochelle Recto, mag-aaral ng 10-Amorsolo matapos ang kamakailang Open Mic sa Buku-Buku Café na isinagawa ng Youth Affairs Unit kasabay ng pagdiriwang nito ng Youth Month.
Inaasahan ng buong dibisyon, sa pangunguna ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi ang positibong resulta ng katatapos lang na seminar ng Jourknows sa mga student-journalists ng Imus kaugnay ng nalalapit nitong panlalawigang patimpalak sa darating na Nobyembre.
Humakot ng parangal at umuwing wagi kontra pribadong mga paaralan sa Cavite ang mga pambato ng Licerio partikular na sa History Mind Quiz Bee at Poster Making sa nagdaang Mind Challenge Season 10 na ginanap sa NCST.
We all know that every month of June in accordance to Proclamation No. 1521 series of 2008 declared as Information and Communications Technology Month with this years theme "ICT for a Better and Safe Philippines".
After a year of doing our CI project all our hardwork and efforts were paid off after the C.I symposium and graduation held last June 28-29, 2017 at Tanza Oasis.
Teachers believe that the environment plays a big share in students' learning. With this, classrooms should be conducive for learning to not hinder the quality of education that students deserve.
In solidarity with women of the world, GLTNHS held a seminar with regards to Gender and Development (GAD) in Shercon Resort and Ecology Park at Mataas na Kahoy, Batangas City last May 30, 2017.
|